Pagsauli ng Grade 5 Student sa Napulot Niyang Mahigit PHP100K Cash, Hinangaan ng mga Netizens!


Role model ng mga kabataan ang tawag ngayon sa isang studyante mula sa Ifugao, dahil yan sa walang pag-aatubili niyang pagsauli ng napulot niyang pouch na may lamang mahigit kumulang isang-daang libong piso (PHP100K).


Ayon sa ulat ng isang reporter na si Oscar Oida sa "24 Oras" nitong Huwebes, ay natagpuan 'di umano ng isang Grade 5 Student na si Denard Uy-Uyon ang isang pouch nang pauwi na siya patungo sa kanilang bahay.


Courtesy: GMA News


Sa halip na tuksuhin na na itago ang pera, ay agad itong isinuko ni Denard sa kanyang Ina upang humingi ng tulong sa kanya na hanapin ang may-ari nito.


Gayunpaman, laking gulat nila na ang pouch na iyon ay may lamang mahigit kumulang isang-daang libong piso (PHP100K). At sa kabutihang palad ang pouch ay may kasamang ID, na naging paraan upang matukoy ng madali ang may-ari nito.


Courtesy: GMA News


"Kahit mahirap po kami sir, hindi kami natukso na gamitin ang pera na hindi saamin." sabi ng kanyang Ina sa interview. 


Samantala, naisauli na ang perang napulot ni Denard sa may-ari na ka-baranggay lang pala nila.


Courtesy: GMA News

Para sa kanyang mabuting gawain, pinarangalan siya ng Department of Education Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao sa pamamagitan ng pagpost sa Facebook at dahil dito nagviral si Denard at hinangaan ng maraming Netizens.


Kaya naman proud na proud ang mga magulang ni Denard sa ipinamalas na katapatan ng kanilang anak.

Para sa Ama ni Denard, kapos man sila sa karangyaan, mayaman naman daw sila sa karangalan.


Courtesy: GMA News


"Masaya naman ako kahit piso wala siyang kinuha doon. Kaya sabi ko yan ang dapat gawin mo para yung mga batang katulad mo ay mainspire naman sila na gawin ito." saysay ng kanyang Ama sa interview.


Kaya sa nangyari ngayon kay Denard, higit pa sa anumang gantimpala o pagkilala. Nagpapasalamat din ang studyante na napatunayan niya sa sarili at sa kanyang mga magulang ang kanyang angking katapatan.


Source: GMA News / YT Channel

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form