Aktres na si Nadine Samonte, Humihingi ng Panalangin para sa kanyang Pamilya



Emosyonal, umiiyak na humihingi ng panalangin ang aktres na si Nadine Samonte sa gitna ng matinding pagsubok na kinakaharap ng kanyang maliit na anak at ang kanyang asawa ngayon.


Nitong Martes lamang August 03, ay ipinost ni Nadine sa kanyang Instagram account ang litrato ng kanyang anak na si Heather na nakangiti.



Samantala, sa caption naman ni Nadine ay dito na niya isiniwalat ang ang pagluha at takot na kinikimkim niyang mag-isa.

"Im kinda emotional right now i dont know what to say or do but i know everything will be fine. Kapit lang , prayers lang. "Trust in the lord with all your own understanding" this is what im thinking for the past wks. Yes we are going through a lot, hindi halata no? Pero ngayon hindi ko mapigilan emotions ko , i need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today , and my husband will have his angiogram this wk. You guys know na im struggling also with my pregnancy but here i am fighting and trying to be strong for them, for all of us. Crying on my own so they wont see how i really emotionally right now. I cant stop my tears while typing this. Lord give me all the strength . I know we can do this with you." caption ni Nadine sa kanyang Instagram account.


Matapos ma i-share sa publiko ang post ni Nadine sa kanyang Instagram account ay agad na bumuhos sa comment section ang prayers at support mula sa kanyang mga kaibigan at mga followers.

Ayon nga kay Nadine sa murang edad ni Heather ay isasailalim na ito sa isang operasyon sa mata. Habang ang asawa niyang si Richard Chua ay magkakaroon ng Angiogram na sumusuri sa mga daloyan ng mga dugo ng isang tao. 



Bukod kina Heather at Richard, ay nakikipag-laban din si Nadine sa kanyang pagbubuntis sa kanilang pangatlong anak. Sanhi ng Polycystic Ovarian Syndrome or PCOS at Antiphospolipid Body Syndrome or APS.


Sa mga hamong ito sinabi ni Nadine na nahihirapan siyang itago ang kanyang nararamdaman sa sarili.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form