Bea Alonzo at Dominic Roque Ini-Reveal na ang 'Unseen Private Moments'


Dinagsa ng samut-saring komento sa social media ang mga panibagong rebelasyon na inilabas ni Dominic Roque patungkol sa mga unseen private moments nila ni Bea Alonzo sa California, USA na ngayon ay ating masasaksihan.

Hindi nga inakala ng maraming Netizens na may mga nakatago pa palang mga intimate captured moments sina Dominic Roque at Bea Alonzo mula sa bakasyon nila sa Amerika.


Nito lamang August 05, nang ibandera ni Dominic sa social media ang pinaka-malambing na moments nila ni Bea na ngayon lang na-i-share sa social media. 


Sa series of photos na kuha sa Napa, California habang naka-upo sa bench ay makikitang unti-unting paglalapit ng kanilang mga mukha at akbang maghahalikan nga ang dalawa base sa nakikitang larawan.



Ngunit hindi lang naman pala mga fans ni Bea at Dominic ang natutuwa sa bagong pag-ibig na kanilang natagpuan dahil kahit na mga kapwa celebrities ay napa komento na rin sa tindi ng tamis ng kanilang pagtitinginan.

Samantala, narito ang mga nakakatuwang reaksyon ng mga kilalang personalidad sa showbiz industry.


"ANO NA MGA KAPITBAHAY? SINONG GUSTO WATER JAN???" sabi ni @ic.mendoza sa Instagram


"Grabe ang sarap sa mata ang bango at gaan nyong tingnan if that make sense?! Hahahahahah" sabi ni @christianacollings sa Instagram


"So happy for you Dom" sabi naman ni @gretchenho sa Instagram


"Tamis ng asukal sa Napa! Lol" sabi ni @bethtamayo21 sa Instagram account

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form