Affair ni Paolo Contis at Yen Santos, kailan nga ba nagsimula?



Narito ang mga itinuturing na tagpo kung saan sinasabing ugat ng pagkamabutihan sa isa't-isa nina Paolo Contis at Yen Santos. Bago paman pumutok ang balita ng hiwalayang Paolo at LJ Reyes, ay nagkasama na sa paggawa ng pelikulang "A faraway land" sina Paolo at Yen na itinuturong third-party sa nasabing break-up.


Ang pelikulang "A faraway land" ay kinunan sa Faroe Island sa bansang Denmark, dito nagkaroon ng pagkakataon sina Paolo at Yen na magkasama. Dito narin nila nakilala ang isa't-isa dahil sa out of the country shoot ito at sila-sila lamang ang magkakakilala sa nasabing lugar ay mas nakapagpalagayan ng loob ang dalawa.




Noong November to December 2020 pa ginawa ang pelikula nina Paolo at Yen, ngunit ngayon lang pumutok ang balita ng hiwalayang Paolo at LJ. Halos magkasunod nga daw ito sa release ng nasabing pelikula sa Netflix.

Ayon sa kwento ni LJ Reyes kay Boy Abunda, late last year ng mag-umpisang gumulo ang pagsasama nila ni Paolo. Naging Distant narin daw ito sa kanilang mag-iina. At kahit gustuhin man niya na isalba ang kanilang pagsasama ay tinanggihan na siya ni Paolo.


Samantala, parehong tikom parin ang bibig ng dalawa ayon sa isyung kinakaharap.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form