Internet sensation "UwU Girl", namaalam na! Alamin ang dahilan ng kanyang pamamaalam


Isa sa nagviral sa Tiktok si Namy Nemang o mas kilala nating "UwU Girl". Ang kanyang mga videos sa Tiktok at Facebook ay sadyang kinagigiliwan ng mga netizen dahil sa kakaiba nitong pamamaraan ng pagbibigay-aliw online.


Biglaan lamang ang pamamaalam ni "UwU girl" noong Linggo, September 26, 2021, na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga. Ayon sa initial na ulat, Heart Failure umano ang ikinamatay ng 25-taong gulang na Tiktokerist na matagal na nitong iniinda. 



Nakilala si Namy sa mga Tiktok videos niya sa social media kung saan sa bandang huli ng kanyang mga video ay sinasabi niya ang katagang "UwU", kaya doon siya binansagang "UwU girl". Hindi natin maikakaila na sa bawat video niya marami ang napapatawa niya. 

Agad ngang naging viral ang mga videos niya at humakot ito ng maraming followers sa iba't-ibang social media platforms. 


Sa naging huling mensahe niya sa publiko ayon sa kanyang Tiktok, "Yung UwU ko ay hangad lang ay pakapagpatawa at wala itong meaning, okay kung binibigyan ninyo ng meaning wala na po akong magagawa sa inyo dahil hindi ko naman ma control ang mga pag-iisip ng kahit sino sa inyo. Thanks mga ka UwU God bless."



Kaya naman nagulat at bumuhos ang pakikiramay ng mga netizens sa pagpanaw ni UwU Girl. Hanggang sa muli UwU Girl!


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form