Markki Stroem naghihintay ng ride sa isang lugar sa Tagaytay ng naka-white underwear lang? "Para, Kuya!"


Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong paandar ng hunk-singer-actor na si Markki Stroem na naghihintay ng ride ng naka white underwear lamang.



Dalawang litrato ang ang ipinost ni Markki sa kanyang mga socmed followers na kuha pagkatapos ng last taping daw nila para sa digital series na "Love at the End of the World".


Makikita si Markki na nasa tabi ng daan habang naghihintay ng ride sa isang lugar sa Tagaytay City na ang tanging suot lamang ay ang kanyang white underwear. Chika ng actor na gusto niyang gumawa ng isang 'di malilimutang moment sa last day ng kanilang taping day ng nasabing BL (boy's love) project.


Aniya sa caption:







Sa huling bahagi ng nakakalokang pasabog ng singer, nabanggit niya na malapit na rin niyang ilunsad ang sariling underwear brand.






Kung matatandaan, buong-ningning ding ipinakita ni Markki sa madlang pipol ang halos hubo't hubad na niyang katawan bilang bahagi ng kanyang 34th birthday noong nagdaang March.


Kung madadaanan mo siya, pasasakayin mo ba? Sagot girls! 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form