Gwapong lalaki NAGPAKASAL sa KAMBING, kilalanin!


Ang pag-aasawa o tinatawag ding matrimony o kasal ay isang kinikilalang kultura na pagsasama ng mga taong nagmamahalan. Ito ay legal o pormal na kinikilalang pagsasama ng dalawang tao sa isang personal na relasyon. 


Sa iba't-ibang bansa, ang kasal ay itinuturing na isang "sagrado" na gawain at ito ay eksklusibo lamang para sa mag-asawang tunay na nagmamahalan. 

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpapakasal ng isang tao at hayop.




Isang lalaking kinikilalang si George ang ikinakasal sa kanyang pinakamamahal na alagang kambing na natatakpan ng pulang lipstick ang mga labi na pinangalanang "Matites".


Mabilis na kumulat ang mga larawan na parang wildfire online at umani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Sa mga larawan, makikita na naka-sports ang lalaki sa kanyang wedding outfit habang hawak ang kanyang kambing na nakasout ng gown. Ang kambing ay may suot na magandang accesories at isang lipstick upang gawing mas kaakit-akit ang pisikal na anyo nito.


Mukhang masaya ang dalawa at hindi napigilan ng nobyo ang kanyang kaligayahan sa kanilang espesyal na araw. Masaya rin ang kambing na natatakpan ng pulang lipstick bagama't wala siyang ideya kung ano talaga ang nangyayari.



Nakatanggap si George ng mga batikos at negatibong reaksyon mula sa online community para sa pagpapakasal sa isang hayop sa halip na isang tunay na tao. Gayunpaman, sigurado ang lalaki tungkol dito at tiwala siyang hinding-hindi siya iiwan ng kanyang asawa.

Binansagan pa siya ng ilang netizens na "Mentally Imbalanced" dahil sa kanyang aksyon. Tiniyak din ng lalaki na gugugulin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanyang kapareha.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form