Lookalike ni Manny Pacquiao sa Malaysia naging instant celebrity!



Maraming mga kamukha si Sen. Manny Pacquiao dito sa Pilipinas. Lumalabas din na may "carbon copy" ang senador sa ibang bansa.





Ang kanyang pangalan ay Aloysius Taidin, 48, mula sa Kampong Kabatang Baru, naging instant celebrity siya sa kanilang lugar sa Keningau, Sabbah, Malaysia dahil sa kanyang pagkakahawig sa Boxer-Politician - Manny Pacquiao.




Sinabi ni Aloysius sa Kosmo, isang pahayagan sa wikang pambansa, na napagtanto lamang niya ang pagkakapareho nila ni Pacman nang pagkatapos siyang sabihan ng isang tao na kamukha-kamukha niya si Pacman.




"I don't know who that stranger is but he kept calling me Manny Pacquiao. After that, he invited me for a drink and we talked about the boxer", sabi ni Aloysius sa panayam. 


Si Aloysius, na isang tagahanga ng kickboxing, ay natutuwa kapag tinatawag siyang "Pacquiao" sa kanilang lugar.




Ngunit sa kabila ng kanyang biglaang-kasikatan ay sobrang mapagkumbaba si Aloysius, siya ay kumikita ng humigit-kumulang na RM40 mula sa pagta-tap ng rubber.




Si Aloysius ay nagpa-convert sa islam noong pakasalan niya si Siti Faridah Sulaiman, 35. Siya ay nagtataglay hindi lamang ng hitsura ng tanyag na boksingero, kundi pati narin ng frame ng katawan, bigote at balbas gayundin ang malalim na ngiti. 


"It was some time in 2010 when I was with a few friends at a restaurant in Keningau watching a boxing fight featuring the Filipino, and after it ended, a guy walked up to me and said I really look like Manny Pacquiao", sabi niya. 




"I actually went to look at the mirror after I got back home from that day and yes, I did find some resemblance with the boxer", aniya. Idinagdag niya na mula noon ay mas lumalim ang interes niya na kilalanin si Pacman hanggang sa naging senador ito.



"People say that in this world there are seven people who would be look-a-like, and I am one of the", dagdag pa ni Aloysius. Nais niyang makita at makaharap si Pacman ng mukhaan balang araw. 

1 Comments

Dont Forget to Leave a Comment

  1. Blackjack, Slots, and Table Games at M Resort Casino
    Welcome to 남원 출장샵 M Resort Casino! Play Blackjack, Slots, and Table Games at 서귀포 출장마사지 M 양주 출장샵 Resort Casino! 경주 출장마사지 Take your game wherever 경산 출장안마 you are!

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form