Alex Gonzaga viral matapos pahiran ng Icing sa Finale Episode ng Tropang LOL


Usap-usapan ngayon sa social media ang actress na si Alex Gonzaga matapos siyang pahiran ng icing sa Finale Episode ng Tropang LOL. 


Alex Gonzaga viral matapos pahiran ng Ice Cream sa Finale Episode bg Tropang LOL


Matatandaan na noong January 2023 ay inulan ng batikos si Alex matapos nitong pahiran ng icing ang isang waiter sa kanyang birthday.


Humihingi nang kapatawaran si Alex sa kanyang ginawa sa waiter na si Allan Crisostomo, pero tila hindi pa rin siya napapatawad ng mga taong nakisimpatiya sa waiter at mariing kinondena ang aksyon niya noon.


At sa Farewell Episode ng Tropang LOL da TV5 ay tila nanumbalik sa ilang mga netizens ang nasabing insidente matapos pahiran si Alex ng kanyang asawang si Mikee Morada ng icing sa noo nito. 


Parusa kasi ito ni Alex nang magkamali siya sa kanyang sagot sa "Beat The Who"  ng Tropang LOL.


Hindi lamang si Alex ang pinahiran ng icing sa mukha sa katuwaang naganap sa Tropang LOL dahil napahiran din ang mga co-host niyang sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at KC Montero.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form