Aljur Abrenica naispatang inalalayan si Kylie PadillaAljur Abrenica naispatang inalalayan si Kylie Padilla

Spotted ngayon ang actor na si Aljur Abrenica na inalalayan ang kanya dating asawa na si Kylie Padilla paakyat sa stage.

Aljur Abrenica naispatang inalalayan si Kylie Padilla

Sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay naging usap noong mga nakaraang taon matapos silang naghiwalay. Ibinunyag ito ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na taong 2021 hiwalay ang dalawa. Ayon pa nito third party raw ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ngayong 2023 ay muling naging usap-usapan si Aljur matapos ibinunyag nito ang relasyon nila ng vivamax star na si Aj Raval. Ang kanilang relasyon ay kinumpirma sa pamamagitan ng pagpost nila sa social media ng kanilang mga sweet na larawan.

Samantala kamakailan lang ay muling nagtagpo ang landas nina Kylie at Aljur. Dumalo kasi sila sa ginanap na 1st Summer MMFF parade of stars dahil parehas silang bahagi ng mga pelikulang kasali sa naturang film fest. 

 Sa video na ibinahagi ng netizen sa TikTok ay makikita na inalalayan ni Aljur ang dati niyang asawa paakyat sa entablabo na kung saan kasama nito si Gerald Anderson. Magkasama kasi si Gerald at Kylie sa pelikulang  "Unrave".

Kapansin-pansin sa video na nagtanguan ang dating mag-asawa matapos batiin ni Kylie ang ibang kasamahan ni Aljur sa pelikula nilang "Single Bells".  

Sa kabila ng kanilang hiwalayan ay maraming namang netizens ang natutuwa matapos nilang makita na maayos ang pakikitungo sa isat-isa ng mag-asawa.

Pwede mong panoorin dito ang video:

@jezreelely Aljur and Kylie present at 1st Summer MMFF Parade of Stars #1stSummerMMFF #kyliepadilla #aljurabrenica #fyp #unravel #singlebells #entertainmentph #jezreelely #whatsupmgakamaganak ♬ I Love You So - The Walters
@jezreelely Replying to @J A J A A M I L A N O Aljur inalalayan si Kylie at Gerald sa stage ng 1st Summer MMFF Parade of Stars #1stSummerMMFF #kyliepadilla #aljurabrenica #geraldanderson #fyp #unravel #singlebells #entertainmentph #jezreelely #whatsupmgakamaganak ♬ Yellow - Coldplay
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form