Bimby ibinahagi ang tunay na kalagayan ngayon ni Kris Aquino

Ibinahagi ni Bimby ang tunay na kalagayan ngayon ng kanyang inang si Kris Aquino.

Bimby ibinahagi ang tunay na kalagayan ngayon ni Kris Aquino

Huling nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang tunay na kalagayan ay noong February 13, 2023 bago ang kanyang birthday. Ipinaalam niya sa kanyang mga followers ang tungkol sa update ng kanyang kalusugan sa pamamagitan ng pagpost niya sa kanyang instagram.

Sa naturang post ay ibinunyag niya ang tungkol sa kanyang medical results na aniya'y "scary red flag". Peru sa kabila nito ay feeling blessed parin siya dahil sa mga taong nanalangin at sumuporta sa kanya.

Kasalukuyan paring nasa Amerika ngayon si Kris at nagpapagaling sa kanyang sakit. 

Samantala sa "Showbiz Update Vlog" ni Ogie Diaz, ay naka-usap niya ang anak ni Kris na si Bimby tungkol sa kalagayan ng actress.

Kwento ni Ogie, sila daw sana ni Kris ang magkita ngunit dahil raw pagod ang actress ay si Bimby nalang ang pinapunta.

"Si Bimby ang pinadala ni Kris. Sabi ni Bimby sa akin ay very sorry ang kanyang mama kasi alam niya ay kami ay magkikita,” sabi ni Ogie 

Nang tanungin na si Bimby ni Ogie tungkol sa kalagayan ngayon ng kanyang ina ay sinabi nito na mabuti na raw ang kalagayan ngayon nito. Aniya nadagdagan na raw ang timbang ngayon ni Kris at nasa 103 lbs na.

Ayon pa kay Bimby, kahit 80lbs raw ang timbang ng kanyang ina ay para sa kanya siya parin ang pinakamagandang ina.

"For me, kahit 80 lbs si Mama, even if she was 80 lbs, she's still be the most beautiful mama ever para sa akin.” sabi ni Bimby 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form