Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa nagsasabing 'mukhang nanay' at di pwede sa 'Vivamax' si KC Concepcion


Nagbigay ng kanyang prangkang reaksyon si Cristy Fermin sa pambabatikos na natanggap ni KC Concepcion laban sa mga basher.


Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa nagsasabing 'mukhang nanay' at di pwede sa 'Vivamax' si KC Concepcion


Si KC Concepcion na may tunay na pangalan na Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Si KC ay anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.


Si KC ay bumida sa mga pelikulang For The First Time (2008) at When I Met U (2009) at sa mga teleseryeng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).  


Samantala sa isang episode ng show ni Fermin ay ipinagtanggol niya si KC laban sa mga basher na bumabatikos sa pangangatawan nito. Mukha na raw kasing nanay ang actress at di rin daw pwede ito sa Vivamax.


"May kalakihan siya, oo. May kalaparan. Pero sapat ba namang tawagin siyang mukha ng nanay? Eh napakagandang nanay nito… hindi naman po talaga siya puwedeng pumayat na puwedeng pang-Vivamax dahil big bone po sila… malalaki ang buto nila kaya hindi talaga papayat nang husto… isa pa, mayroon siyang PCOS…”sey ni Fermin 


Ibinunyag din ni Fermin ang pagkakaroon ng PCOS o polycystic ovary syndrome ni KC na inamin na raw umano ito ng actress noon.


"Intindihin po natin na hindi naman po simple ang pinagdaraanan ni KC Concepcion. Kung siya po ay mukhang nanay, aba, gusto na lang maging anak niya dahil pagkaganda-gandang nanay, ‘di ba naman?”sey pa ni Fermin


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form