Melai Cantiveros nagreact sa tsismis na umanoy hiwalay na sila ng asawang si Jason Francisco

Nagreact narin sa wakas si Melai Cantiveros sa tsismis na umanoy hiwalay na sila ng asawa niyang si Jason Francisco.

Melai Cantiveros nagreact sa tsismis na umanoy hiwalay na sila ng asawang si Jason Francisco

Nagsimula ang rumor na umanoy hiwalay na ang mag-asawa nang ibahagi ni Melai ang mga larawan na kuha sa birthday celebration niya at anak niyang si Stella.

Napapansin kasi ng ilang mga Marites na wala si Jason sa mga larawan kaya maraming netizens ang napaisip na baka hiwalay na raw ang mag-asawa. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng rumor na umanoy hiwalay na ang dalawa. Noong 2016 at 2019 ay pinaghihinalaan din na nagkaproblema rin ang mag-asawa.

Ngunit nito lamang April 14, ay nagbahagi ng video si Melai sa kanyang Instagram Story na kuha sa loob ng sasakyan.

Sa unang bahagi ng video ay makikitang umaandar ang sasakyan, sa pagpatuloy pa ng video ay ipinakita ni Melai ang driver at ang driver ay ang asawa niyang si Jason.

Nilagyan niya ng caption ang kanyang video at binati nita angga Marites: "Good morning mga kapisanan ng mga Marites sa Pilipina.”  matapos nito ay sinabi niya na siya raw ay asawa at hindi isang police officer na “hanapan ng nawawalang tao.”

Sa pangalawa niyang caption ay sinabi niyang: "Hayan napo hinahanap nyu…. buhay na buhay walang kahit na anung sugat. pinagdrive napo tayu mga ka Mari.” 

Papunta sina Melai ay Jason sa studio ng Magandang Buhay nang kinunan ni Melai ang naturang video.



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form