Ogie Diaz tawang-tawa sa sinabi ni Father sa lamay ng kanyang ina


Tawang-tawa ang komedyanteng si Ogie Diaz sa sinabi ng isang pari sa lamay ng kanyang ina.


Ogie Diaz tawang-tawa sa sinabi ni Father sa lamay ng kanyang ina


Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang social media ang post ang tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina sa edad na 87. Sa kanyang post ay pinapasalamatan niya ang nakikiramay sa pagpanaw ng kanyang ina.


Ayon pa kay Ogie, proud raw siya na naibigay nila ng kanyang mga kapatid ang pangangailangan ng kanilang ina. Malaki rin ang pasalamat ni Ogie dahil nagkaroon sila ng ina na handang magsakrispisyo.


Sa bagong facebook post ni Ogie Diaz, ay ibinahagi niya ang video na kuha sa lamay ng kanyang ina. Nilagyan niya ito ng caption na “Di ko kinaya si Father,” 


Sa video ay makikita na nagkaroon ng story telling ang isang pari tungkol sa isang ina at anak. Ayon sa nasabing pari, kailangan raw ng isang ina na magtrabaho para sa kanilang anak. 


“Kahit maliit ang bayad, sige lang igagapang talaga kita. Pagkat anak, kapag naka-graduate ka sa isang magandang eskwelahan, isang magandang kurso, sigurado balang araw ‘pag nag-apply ka ng trabaho o nag-business ka, magiging malaki ang kikitain mo,” sabi ng pari


Matapos nito ay may puncline din ang nasabing pari: “Anak ikaw mag-aahon sa pamilya natin sa kahirapan – kinder pa lang ‘yung bata.” 


Matapos nito ay maririning sa video na tawang-tawa si Ogie sa nasabing punchline ng pari. Ayon pa kasi sa pari bata pa raw ang bata ay stressed na dahil sa sinabi sa kanila ng kanilang magulang.


Panoorin dito ang video:


Di ko kinaya si Father…đŸ˜‚đŸ˜‚đŸ˜‚

Posted by Ogie Diaz on Sunday, 23 April 2023

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form