Julie Anne San Jose lalaban nga ba ng back-to back- concert kay Sarah Geronimo


Lalaban nga ba ng back-to-back concert si Julie Anne San Jose sa nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo?

Julie Anne San Jose lalaban nga ba  ng back-to back- concert kay Sarah Geronimo 

Nito lamang nakaraan, ay naging guest si Julie Anne San Jose sa show ni Boy Abunda sa Kapuso Network na Fast Talk With Boy Abunda. Sa naturang show ay tinanong siya kung lalaban ba siya ng back-to-back concert kay Sarah Geronimo.


(ads)


Aniya, hindi siya lalaban dahil nag-iisa lang si Sarah.


"Hindi ako lalaban because there’s only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo,” sabi ni Julie Anne


Samantala kung sakaling mabigayan siya ng pagkakataon na maka-duet ang nag-iisang Popstar Royalty ay paghandaan niya raw ito ng mabuti.


"It would be an honor, of course, na maka-duet po si Ms.Sarah because I really look up to her. Isa siya sa mga naging influences ko din sa music."sabi ni Julie Anne


“Ayon po. It would be an honor. I love her,” dagdag pa ni Julie Ann, dagdag pa niya


Si Sarah Geronimo ay isa sa mga pinakamahusay at pinakapinag-uusapang mang-aawit at aktres sa industriya ng musika at pelikula sa Pilipinas. Ang kanyang tagumpay at dedikasyon sa sining ay nagpapakita ng kanyang kahusayan at kakayahan bilang isang mahusay na artista.

 

Naging kilala siya sa pamamagitan ng mga talent show tulad ng "Star for a Night," kung saan siya ang nagwagi bilang Grand Champion noong 2003. Ito ang nagsimula ng kanyang malaking pag-angat sa industriya ng musika. 


Matapos ang kanyang pagkapanalo sa "Star for a Night," agad na sumikat si Sarah bilang isang mang-aawit. Naglabas siya ng ilang mga album na kumita ng multi-platinum at nagbigay sa kanya ng maraming mga parangal at pagkilala. Ang kanyang tinig ay kinilala sa kanyang kapangyarihan at kakayahan na magpahayag ng emosyon sa bawat kanta na kanyang inaawit.


Bukod sa pagiging isang mahusay na mang-aawit, naging matagumpay din si Sarah bilang isang aktres. Bumida siya sa maraming mga pelikula at teleserye na nagpakita ng kanyang husay sa pagganap. Ipinakita niya ang kanyang malawak na saklaw bilang isang artista, mula sa mga romantic comedy hanggang sa mga drama na role. Ang kanyang mga pelikula ay naging box office hit at patuloy na nagbibigay-daan sa kanya upang maging isa sa mga pinakasikat na mga artista sa bansa. 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form