Lolit Solis tila nayayabangan kay Liza Soberano dahil sa bagong viral nitong pahayag


Naglabas ng saloobin ang showbiz columnist na si Lolit Solis kaugnay sa bagong viral na pahayag ni Liza Soberano tungkol sa love teams ng mga artista dito sa Pilipinas.


Lolit Solis nayayabangan kay Liza Soberano dahil sa bagong viral nitong pahayag 


Sa kanyang post sa instagram, ay pinuna niya ang patuloy parin na pag-iingay ni Liza. Ayon kay Lolit ang actress raw mismo ang sumira sa kanyang career dahil sa mga binibitawan nitong mga pahayag.


“Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self destruction na ginagawa niya. Ngayon naman parang know it all na alam niya ang issue tungkol sa loveteam. Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream niya,” sey ni Lolit


Tila nayayabangan rin si Lolit sa actress dahil sa nga sinasabi nito kahit wala pa umano itong napapatunayan.


“Mahirap talaga pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo ng magbigay ng komento. Hindi si Liza lang ang sumubok mag Hollywood dream, marami na at lahat nabigo," sey ni Lolit


Maalala na viral at naging usap-usapan ang naging pahayag ni Liza sa podcast ng South Korean singers na sina Ashley Choi at Peniel ng BTOB.


Sinabi kasi ng actress sa nasabing podcast na ang pagkakaroon umano ng loveteam ang mabilis na paraan para sumikat sa showbiz.


“It’s been going on in the Philippines for a long time since like in the 80’s, 70’s and in the Philippines, the only way to become a really big star, if you’re not a singer is to become a love team,” sabi ni Liza



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form