Lovi Poe tuwang-tuwa nang sumabit siya sa Jeep sa unang pagkakataon


Tuwang-tuwa ang actress na si Lovi Poe nang sumabit siya sa Jeep sa kauna-unahang pagkakataon.

Lovi Poe tuwang-tuwa nang sumabit siya sa Jeep sa unang pagkakataon 


Si Lovi Poe na may tunay na pangalan ma Lourdes Virginia Moran Poe ay isang kilalang actress na nakilala sa kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. Ipapanganak siya sa St. Luke's Medical Center sa Maynila, noong Pebrero 11, 1989, sa mag-asawang Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr., at ang aktres na si Rowena Moran. 


(ads)


Sa kanyang murang edad, nagsimula na siyang magpakita ng interes sa mundo ng pag-arte. Napanood siya ng kanyang ama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan nakasama niya ang kanyang ina. Hindi nagtagal, nag-audition na siya sa iba't ibang proyekto at nagkaroon ng kanyang unang pagkakataon sa pelikulang "May Minamahal" noong 1993. 


Marami naring nagawang teleserye at pelikula si Lovi. Ilan sa mga ito ay ang "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," "Yesterday, Today, andTomorrow," "Aswang," "My Neighbor's Wife,"  "The Significant Other," at marami pang iba. Sa kasalukuyan siya ay gumanap bilang 'Mokang' sa hit kapamilya series na 'Batang Quiapo' kung saan kasama niya si Coco Martin.


Sa kanyang online post, ay ibinahagi ng actress ang behind the scene ng pagsabit niya sa jeep. Sa naturang larawan ay kasama niya ang actor na si Coco Martin. Aniya masaya raw dahil first time raw niya ito na sumabit sa jeep.


"Ang saya saya ko kasi first time kong sumabit sa jeep," sey ni Lovi 


Sabi pa niya sa hiwalay na post:"Bumyahe talaga ang tropa sa Maynila ng nakasabit." 

Larawan mula sa instagram ni Lovi Poe




Larawan mula sa instagram ni Lovi Poe


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form