Mainit na sagutan sa pagitan ng GMA at ABSCBN Head writers usap-usapan


Usap-usapan na ngayon sa social media ang mainit na sagutan sa pagitan ng parehong headwriters na sina Suzzette Doctolero ng GMA at Jerry Gracio ng ABSCBN.


Mainit na sagutan sa pagitan ng GMA at ABSCBN Head writers usap-usapan 


Ang kanilang sagutan ay may kaugnayan sa banggaan ng ratings sa magkalabang shows na 'FPJ's Batang Quiapo' ng ABSCBN at Voltes V Legacy ng GMA Network.


(ads)


Sa isang facebook post kamakailan, ay nagpost si Suzzette ng kanyang hinaing kaugnay sa umanoy pinapatayan ng cable ang mga manonood ng Voltes V.


"Nakakatawa…Simula noong May 8 ay walang tigil na sila sa kakabira sa voltes5…. Pinapatayan pa ng cable…. (Na dati na nilang ginagawa) Pero….. talo pa rin??!Mabuti na lang at hindi na kayo ang may hawak ng Meralco kasi dati… Bina brownout ninyo rin! " hinaing ni Suzzette 


Nang makita ito ni Jerry ay sinagot niya ito at aniya sana ay tigilan na ang conspiracy theory dahil lumipas na raw ang network war at collab na ang uso ngayon.


"Jusko tantanan na natin itong mga conspiracy theory na 'to. Lipas na ang network war, palipas na ang free TV, hindi na ratings lang ang pinag-uusapan. Tama na 'yang mga war na 'yan, dahil sablay ang mga 'yan tulad ng wars ni Digong. Collab na ang uso."sabi ni Jerry kay Suzzette 



Sumagot naman dito si Suzzette aniya pagpasensyahan na raw si Jerry.


"Pasensyahan na si @JerryGracioat sanay sila na quiet kami kahit dinudugas, pinapatayan ng cable, sliding programming etc. Gus2 nya mentalidad abused kami kahit woke siya. Btw Jerry imbes pakialaman mo ko, try mo magsulat ng matinong soap for once, para me saysay pagaka woke mo"sabi ni Suzette kay Jerry 


Nang makita ni Jerry ang sagot ni Suzzette ay agad naman niyang sinagot ito:


"1. Quiet? Ang ingay mo kaya. 2. Abused? Sino ba tinanggalan ng franchise sa gitna ng pandemya? 3.   Hindi ang writer ang magsasabi kung matino ang soap niya o hindi. Mahirap magbuhat ng sariling bangko, lalo kung mabigat. 4. Pinanood ko ang shows mo. Try mo manood ng di mo show." sabi ni Jerry kay Suzzette 



Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form