Nikko may nakakalokang reaksyon sa kasambahay niyang never nagpapicture sa kanya ngunit agad raw na 'kumerengkeng' sa kapatid ni Tanggol


May nakakalokang reaksyon si Nikko Natividad kaugnay sa kanyang kasambay na nagpapicture kay McCoy de Leon.

Nikko may nakakalokang reaksyon sa kasambahay niyang never nagpapicture sa kanya ngunit agad raw na 'kumerengkeng' sa kapatid ni Tanggol 


Si Mccoy  de Leon ay unang nakilala matapos sumali sa all-boy dance group na Hashtags sa noontime show na It’s Showtime. Maliban sa kanyang galing sa pagsasayaw ay ipinamalas rin ni Mccoy ang galing niya sa pag-arte sa ABS-CBN's afternoon soap na We Will Survive. Lumitaw rin siya sa hit ABS-CBN shows Be Careful With My Heart, Maalaala Mo Kaya, at Wansapanataym. Isa rin si McCoy sa housemate noon sa Pinoy Big Brother. 


(ads)


Samantala si Nikko Seagal Natividad naman ay isa rin sa miyembro ng Hashtag. Nanalo siya ng  first ever Gandang Lalaki competition ng It’s Showtime noong 2014. At isa rin siya sa mga housemate noon sa Pinoy Big Brother. 


Kaya hindi na maipagkaila na magkaibigan talaga sina Mccoy at Nikko dahil narin sa kanilang pinagsamahan. Sa isang Facebook post kamakailan lang, ay kinaaliwan ang post ni Nikko tungkol sa kanyang kasambahay na nagpapicture kay Mccoy na never pa umanong nagpapicture sa kanya.


"Yung kasambahay namen mag 3yrs na samen never nagpapicture saken!! Tapos nakita lang yung kapatid ni tanggol kumerengkeng na agad!! Muntik pa maiwan yung nilulutođŸ˜³ ( wam payb ka lang ngayon every month!!!)" biro ni Nikko sa kanyang post 


Ang Tanggol na sinasabi ni Nikko ay ang role na ginampanan ni Coco Martin sa Batang Quiapo kung saan ginampanan ni Mccoy ang role na David, kapatid ni Tanggol.

Larawan mula sa Facebook Nikko Seagal Natividad


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form