Rendon Labador pinuntahan si Ben Tulfo para humingi ng tawad


Viral na ngayon sa social media ang video kung saan personal na pinuntahan ni Rendon Labador si Ben Tulfo para humingi ng tawad.


Rendon Labador pinuntahan si Ben Tulfo para humingi ng tawad

Matatandaan na nagviral kamakailan sa social media sina Ben at Rendon matapos kumalat ang umanoy fakenews. Ang nasabing Fake News ay tungkol sa umanoy statement ni Ben Tulfo laban kay Rendon na ibinahagi ng ibat-ibang social media pages.


(ads)


"WALANG KATOTOHANAN ang kumakalat na balitang statement ni Ben Tulfo sa vlogger na nagbebenta ng “motivational rice” kuno. Fake news ang kumakalat sa social media na pahayag umano ng batikang investigative journalist na si Tulfo. Ayon mismo kay Ben “BITAG” Tulfo, dalawa lang ang kaniyang kilalang LABRADOR. Ang kaniyang mga alagang aso sa bahay na sina Tom at Keanu." ayon sa post ng Bitag Multimedia Network  


Matapos ang statement na iyon ni Ben ay naglabas din ng mainit na pahayag si Rendon. "Dahil sa fake news na to, ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Raffy Tulfo."sabi ni Rendon 


Sa isang facebook post, ibinahagi ng Bitag Live ang isang video kung saan personal na pumunta si Rendon si Ben. Ayon kay Ben pumunta raw si Rendon doon at humingi ng tawad. 


Sabi sa caption ng Bitag Live: "RENDON LABADOR, PINATAWAD KO NA! WALA SA ESTILO NG BITAG ANG MAKIPAG-COLLAB!

Maayos na pumunta sa aking tanggapan si Rendon Labador. Nagpakumbaba at humingi ng tawad. 

Marunong akong makipagsabayan sa bardagulan at panduduro. Subalit oras na tinanggap ang pagkakamali at humingi ng paumanhin - marapat lang patawarin. 

Ang huling mensahe ni Ben Tulfo sa isyung ito, panoorin!"


Pwede mong panoorin dito ang buong video:


RENDON LABADOR, PINATAWAD KO NA! WALA SA ESTILO NG BITAG ANG MAKIPAG-COLLAB! Maayos na pumunta sa aking tanggapan si...

Posted by BITAG Live on Thursday, 25 May 2023

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form