Contestant sa Its Showtime naiyak matapos sagutin ni Vice abg 43k tuition nito


Di mapigilang maiyak ng "Rampanalo" contestant sa Its Showtime ng sagutin ni Vice Ganda ang kanyang tuition na nagkakahalaga ng 43k. 

Larawan mula sa Its Showtime


Kwento ng nasabing contestant, pinagsabay raw niya ang kanyang pagtatrabaho at pag-aaral para may panggastos umano siya sa kanyang pag-aaral. At kung siya ay palarin na manalo ay ibibili raw niya ito ng mga items para sa sari-sari store ng kanyang lola. 


(ads)


Nang marinig ni Vice ang kwento ng nasabing contestant ay naawa siya at tinanong niya ito kung magkano ang binabayaran niyang tuition fee. Ayon sa nasabing contestant, 43k per semester raw. Sabi naman ni Vice , siya na raw ang aako sa pambayad nito sa kanyang tuition. 


“Dama kita eh, gusto mo mag-aral eh. Yung iba may financial problem hinto na ako, work na ako. Ikaw pinagsasabay mo, mahirap yun ah.


“Yung iba hindi nila kayang pagsabayan kaya mag sasakrispisyo ng isa, trabaho ba o pag-aaral, ikaw pinagsasabay mo.


“I want you to be happy and I want to help you kasi kayong madlang pipol ang laki ng tulong nyo sa akin.” sabi ni Vice 


Pwede mong panoorin dito ang video:

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form