Ricci Rivero binasag na ang katahimikan kaugnay sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes

Binasag narin sa wakas ni Ricci Rivero ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.


Maalala na kamakailan lang ay nagpost si Ricci Rivero sa kanyang twitter ng tila pagkumpirma niya sa hiwalayan nila ng actress. 


(ads)


At sa programa nga na Fast Talk ni Boy Abunda sa GMA Network ay nagsalita na si Ricci kaugnay sa isyu. Kwento niya April raw ay nagdisesyon sila ni Andrea na magcool off. 


"Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema personally. Hindi naman siya sa may kasing ganito, or may kasalanan or whatsoever. Siguro doon lang sa the way we are sa isa’t isa din ‘di ba. Marami naman siyang pwedeng factors. [It] could be ‘yung maturity naming pareho, pwedeng for whatsoever reason lang. So may mga inaayos kami na sa’kin normal naman para sa isang relationship. Siguro kailangan lang ng breather, something like that,” sabi ni Ricci 


Kwento pa ni Ricci sa totoong dahilan umano ng kanilang hiwalayan.


"Yung cause ng breakup was ‘yung speculations ngayon, ‘yung kumakalat sa social media. ‘Yung may nakita siyang girl do’n sa place ko, pero ilang beses naman po naming pinag-usapan ‘to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidence that I have, kasi may mga conversations even with my friends, na hindi po sa’kin ‘yung girl,” sabi niya


“May papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Tapos ‘yun yung inabutan niya (Andrea) that time.”dagdag pa niya 


Samantala itinanggi naman ni Ricci na may kinalaman ang Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor na Leren Mae Bautista sa hiwalayan nila ni Andrea na matatandaang naglabas din ng statement na wala siyang kinalaman si isyu. 


 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form