Sa gitna ng isyung hiwalayan! Liza Soberano at Enrique Gil naispatang magkasama sa isang party


Sa gitna ng isyung hiwalayan, ay spotted na magkasama ang real life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

đŸ“· Juni Image/Facebook 

Sa Youtube show ni Ogie Diaz noong May 30, ay ibinunyag nito na umanoy hiwalay na sina Liza Soberano at Enrique Gil.


(ads)


''Actually, nakarating din sa'kin 'yan na split na o break na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Parang nag-ugat ito sa mga pronouncement o naging statement o mga nakaraang interviews ni Liza, never niyang binanggit si Enrique Gil,"paglalahad ni Ogie Diaz 


Ang naging dahilan umano ay para magfucos si Liza sa kanyang career sa Hollywood.


"Ang nakarating sa atin, hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Hindi ko alam kung pareho nilang gusto 'yun pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kanyang career programming, kaya wala na raw," sey ni Ogie 


Ngunit sa kabila nito ay naispatan ang dalawa kamakailan sa isang engagement party. Ibinahagi ng isang Facebook user na si Juni Image ang mga larawan nina Liza at Enrique na magkasama. 


Kaya naman marami sa kanilang  mga tagahanga ang tuwang-tuwa nang makitang muli ang dalawa na magkasama. 


Sa ngayon ay hindi parin malinaw kung totoo nga ba ang tsismis na naghiwalay sila dahil wala sa kanila ang nagsalita kaugnay sa isyu.


Screenshot mula sa Facebook: Juni Image


Screenshot mula sa Facebook: Juni Amora Alexander


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form