Xyriel Manabat sinupalpal ang basher dahil sa hindi magandang komento nang ipinakilala nito ang kanyang boyfriend


Di mapigilang supalpalin ni Xyriel Manabat ang kanyang basher dahil sa hindi magandang komento nito nang ipakilala niya ang kanyang boyfriend sa publiko.

Xyriel Manabat sinupalpal ang basher dahil sa hindi magandang komento nang ipinakilala nito ang kanyang boyfriend 



Si Xyriel Manabat ay isa sa pangalan na kinilala at minahal sa mundo ng showbiz. Siya ay isinilang noong Enero 27, 2004, sa Taytay, Rizal. Sa murang edad pa lang ay nagsimula ng umusbong ang career ng actress.



(ads)



Nagsimula si Xyriel sa kanyang karera bilang artista taong 2009 nang mag-audition siya para sa teleseryeng "Agua Bendita" ng ABS-CBN. Siya ay napili para gampanan ang batang Agua na kung saan naipakita niya ang kanyang galing sa pag-arte.



Mula noon ay nabigyan rin ng ibang teleserye si Xyriel. Ilan sa kanyang mga teleserye ay, "100 Days to Heaven" (2010) "Aryana" (2012), "Hawak-Kamay" (2014), at "On the Wings of Love" (2015). At ngayon sa kasalukuyan ay isa si Xyriel sa cast ng hit teleserye ng Kapamilya Network na Dirty Linen. 


Samantala, sa kanyang post sa Tiktok ay ibinahagi ni Xyriel ang video kung saan kasama niya ang kanyang boyfriend na si Nat Toledo. Sa naturang video ay sumayaw sila ng "If we ever broke up". 


(ads)


May nakakatawa rin na caption ang actress na mensahe niya para kay Nat. Sabi niya: "@NatToledo subukan brumoke up tamo"


Marami ang natutuwa sa video ni Xyriel kasama ang kanyang boyfriend ngunit hindi talaga maiiwasan na mayroong tao na hindi masaya para sa kasiyahan ng iba. Gaya na lamang ng mga basher na puro mali lang ang nakikita.


Sabi ng basher: "Bat yan?" Diretsahan itong sinagot ni Xyriel at sinabihan niya ang basher na: "Bat ka nangingialam?" 


@xyrielmanabat_ @NatToledo ♬ If We Ever Broke Up - Mae Stephens
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form