Bouncer na umawat kay Awra nagsalita na; sinasabing nagsampa siya ng kaso laban sa actor

Binasag narin sa wakas ng bouncer ng Bar na si Onin ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyung kinasasangkotan ngayon ni Awra Briguela.
📷GMA News YouTube 

Sa report ng GMA News, ay nainterview nila si Onin na makikita sa CCTV na umawat kay Awra. Kwento ni Onin sa nasabing interview, pinilit umano niyang pakalmahin ang actor ngunit hindi raw ito kumalma. 

(ads)

"Pinipilit siyang pakalmahin pero hindi pa rin siya kumakalma," sabi ni Onin sa panayam ng GMA News sa kanya 

Saksi rin umano siya kung paano nagpumiglas si Awra sa mga pulis na umaresto sa kanya.

"Kahit sa pulis galit na galit din siya. Tinatadyakan po niya 'yon," sabi ni Onin sa panayam 

Ayon pa kay Onin, wala umanong pambabastos na nangyari. 

Isa ring nagpakilalalang empleyado ang nagsabi na nang ni-review nila ang CCTV sa buong gabing nangyari ang insidente ay wala umano ang sinasabing pang-aagrabyado sa kaibigang babae ni Awra. 

Samantala makikita din sa CCTV footage ang bouncer na umawat kay Aura. Dahil sa kakaawat nito sa actor ay nagkaroon siya ng bukol at kalmot sa braso na ipinakita niya sa interview. Kaya nagsampa rin umano siya ng kaso laban kay Awra.

Pwede mong panoorin dito amg buong interview:


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form