Dennis naglabas ng sama ng loob kay Gerald; sinasabing pupunta sa kasal nina Julia at Gerald kahit di imbitahin

Naglabas ng saloobin ang actor na si Dennis Padilla sa actor na si Gerald Anderson dahil sa pagbabalewala umano ng actor sa kanya.

Dennis naglabas saloobin kay Gerald; sinasabing pupunta sa kasal nina Julia at Gerald kahit di imbitahin


Isiniwalat ni Dennis sa panayam niya kay Ogie Diaz na umanoy hindi pa niya nakausap ang boyfriend ng kanyang anak. Nagkita umano sila sa isang event ngunit hindi man lang daw siya nilapitan ng actor.


(ads)


“Kung gusto talaga ako ni Gerald kausapin, dapat kinausap na niya ako, e hanggang ngayon hindi niya ko kinakausap e,” sey ni Dennis


Ayon sa actor kaya raw hindi siya pinapansin ni Gerald at baka magalit umano ang mag-inang sina Julia Barretto at Marjorie Barretto.


“Siguro mas importante sa kanya na good shot siya kay Marjorie. Pero sa akin kahit bad shot siya, okay lang sa kanya. ‘Yun ang pakiramdam ko,” sabi ni Dennis


Sabi pa niya sa actor “Ikamamatay mo ba ‘yung pag sinita ka ni Marjorie at sinita ka ni Julia? Ang ibig sabihin, kapag kinausap mo ko, hihiwalayan ka ni Julia?” 


Sabi pa ni Dennis“Kung ayaw niya ko kausapin, wala na kong magagawa. Ako gusto ko siyang makausap,” 


Sinabi rin ni Dennis na kung sakaling mauwi sa kasalan ang dalawa ay pupunta umano siya kahit hindi siya imbitahin.


"[Kahit] hindi ako in-invite, pupunta ako. Pero hindi ako pupunta don para manggulo, pupunta ako doon para mapanood ‘yung anak ko. Kahit hindi ako ang maghatid,” aniya.


Kahit nasa labas lang ng simbahan ay ayos lang sa kanya, masilayan lang si Julia sa araw ng kasal nito.


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form