Aj sa tumatawag sa kanyang kabit sa hiwalayang Aljur-Kylie: "Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko"


Muling naglabas ng kanyang saloobin si Aj Raval sa natanggap niyang pambabatikos mula sa mga basher dahil sa relasyon nila ni Aljur Abrenica.

Aj sa tumatawag sa kanyang kabit sa hiwalayang Aljur-Kylie: "Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko"


Sa kanyang facebook live ay iginiit ni AJ na hindi siya ang dahilan sa hiwalayan nila ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. 


(ads)


"Lumipas ang panahon, kinilala namin ang isa’t isa. Tinanong ko siya… Paano ‘yung wife, ‘yung family. Sabi niya sa ‘kin ok lang ‘yun [kasi] hiwalay na sila. May partner na rin si Kylie that time kay nag-go ako.”kwento ni Aj sa kanyang Facebook live 


"Ang sinasabi ko lang dito, di baleng tawagin n’yo na akong kabit and all… pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon… nag-start ‘yung relationship namin na wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao,”dagdag pa niya 


Kwento pa ni Aj, kilala raw niya ang babaeng naging dahilan ng hiwalayan nina Aljur at Kylie ngunit hindi na raw niya ito sasabihin dahil may sarili na umano itong pamilya. 

“A year after [manligaw], doon kami naging official. Last year, July. Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng buong pamilya ko. I swear to God.”sabi ni Aj 

Ibinahagi rin ni AJ na walang katotohanan ang tsismis na may anak sila ni Aljur.

"Enough na please. Enough na ‘yung sa baby baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun. Walang ganu’n." pagbubunyag ni AJ
Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form