Jeric Raval tapat na inaming nagwalk-out siya sa daring scene ng anak niyang si Aj Raval

 

Tapat na inamin ni Jeric Raval na nagwalk-out siya sa daring scene ng anak niyang si AJ Raval.

Jeric Raval tapat na inaming nagwalk-out siya sa daring scene ng anak niyang si Aj Raval

Kamakailan lang kasi ay guest si Jeric Raval sa programa ni Boy Abunda sa Kapuso Network na "Fast Talk With Boy Abunda". 


(ads)


Sa naturang show ay natanong si Jeric kung kung may pagkakataon ba na nagwalk-out siya sa intimate scene ng kanyang anak sa pelikula habang kanyang pinapanood.


“Totoo ba na may isang pagkakataong naimbitahan ka manood ng pelikula ni AJ tapos no'ng palapit na 'yung intímate scene, nag-walk out ka?” tanong ni Boy kay Jeric 


Pag-amin ni Jeric, hindi raw niya kayang panoorin kaya lumabas umano siya ng sinehan at nagkukunwaring nagri-ring ang kanyang telepono. 


"Gano'n pala 'yon. Hindi ko kayang panoorin. Lumabas ako. Sabi ko na lang nag-ring 'yung phone ko,” sabi niya


 “Pero ang totoo no'n, hindi ko pa kayang panoorin maski hindi totoo, alam naman nating kunwari lang 'yon. Hindi ko kayang panoorin.” pagpatuloy pa ni Jeric 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form