Julia Montes itinanggi ang relasyon kay Coco Martin?


Usap-usapan ngayon sa social media ang isang panayam kung saan tila itinanggi ni Julia Montes ang relasyon nila ni Coco Martin.

Julia Montes itinanggi ang relasyon kay Coco Martin?


Matatandaan na inamin kamakailan ni Coco Martin na masaya sila ni Julia at 12 years na silang magkasama.
 

(ads)


"Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ito ilang years na, 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin, gaya ng dati. Nilo-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon ito, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ‘yung privacy sa buhay namin,” sabi ni Coco sa panayam ng TV Patrol sa kanya noong May 2023


“Basta kami naman, hindi naman na kami mga bata. Kung ano siguro ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun. Mas masarap kasi ‘yung pribado ‘yung buhay eh, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami,” dagdag pa niya
 

Ngunit ng makapanayam si Julia ng ng Push Live Bet ay inilahad ni Julia na wala umano silang inamin ni Coco. 


Sabi ng nag-interview kay Julia: "Since pinublicize n’yo na po ‘yung relationship n’yo with Coco Martin,” 


Sabi naman ni Julia: “Kailan?!” 


Tanong pa ng interviewer: “‘Di ba? A lot of people, you know, are celebrating your relationship with you. So, kumusta ba siya bilang partner?” 


Sabi naman ni Julia: “Nag-announce ba kami? Wala naman,” 


Dagdag pa ni Julia: "Happy lang ako sa life. Siguro masasabi ko lahat ng nangyayari po sa buhay ko, never kong ine-expect and never kong ini-imagine na ganu’n ‘yung mangyayari when it comes to… in general. Lahat. Sa work, sa life, sa uhm, paano ba, sa lahat ng mga dini-dreams ko, more than pa sa nangyayari. So, wala. Super thankful lang and very happy. ‘Yun talaga, happiness,” 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form