Ogie Diaz naglabas ng prangkang reaksyon sa pagka-aresto ni Jay Sonza


Naglabas ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz sa pagka-aresto ni Jay Sonza.

Ogie Diaz naglabas ng prangkang reaksyon sa pagka-aresto ni Jay Sonza

Ngayong araw kasi ay lumabas ang mga balitang inaresto si Jay Sonza dahil sa umanoy syndicated large-scale illegal recruitment.  


(ads)


Sa kanyang post sa Facebook post ay naibahagi ni Ogie na sa kabila ng kanilang hindi pagkaka-unawaan noon ay di mapigilan ni Ogie na maawa sa pamilya ni Sonza.


"Naawa ako bigla sa mga anak at apo niya. Wa echos. Parang kelan lang kung laitin ng taong ito ang mga di lang sumasang-ayon sa takbo ng pag-iisip niya. Grabe din niya akong laitin..." sabi ni Ogie 


Sa kanila nito ay pinapanalangin ni Ogie na malalampasan ni Sonza ang kanyang pinagdaanan ngayon.


"Will pray for your inner peace, Mr. Sonza. Sana, malampasan mo ang mga pagsubok. Hindi ko sasabihing beh buti nga o deserve mo yan. Mas gusto kong ipagdasal ang paghilom ng kanegahan sa puso mo. At sana ay magsilbing lesson ito sa tuluyan mong pagbabago. Kahit matanda na po kayo, kaya pang magbago basta bukal sa puso ang acceptance, realization at ang sabi nga ng matatanda, tumanda nang may pinagkatandaan." sabi ni Ogie


Ogie Diaz naglabas ng prangkang reaksyon sa pagka-aresto ni Jay Sonza


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form