Vice Ganda sinasabing may pinagdadaanan si Vice Ganda kaya naiyak sa Its Showtime


Ibinunyag ni Ogie Diaz na may pinagdadaanan si Vice Ganda kaya ito naiyak sa Its Showtime.

Ogie Diaz sinasabing may pinagdadaanan si Vice Ganda kaya naiyak sa Its Showtime

Sa latest episode ng show ni Ogie Diaz sa youtube ay naglabas ng kanyang reaksyon si Ogie kaugnay sa kung bakit raw naiyak si Vice Ganda habang in-interview ni Vice sa Its Showtime ang isang bata.


(ads)


Ani ni Ogie, kilala raw niya si Vice Ganda kaya alam raw niya ang pinagdadaanan nito. 


"Sa pagkakaalam ko, sa pagkakakilala ko sa kanya, eh me pinagdaraanan ngayon yan,” sabi ni Ogie 


"Siguro yung mga ano... Alam mo naman yang si Vice, diba? Sobra siyang immersed dun sa ‘It's Showtime’ and sobra niyang mahal yung show,” sabi ni Ogie ng tanungin siya ni Mama Loi kung ano sa tingin niya ang pinagdaraanan ngayon ni Vice 


Patuloy pa ni Ogie, malaki raw ang role ni Vice Ganda sa show.


"So kumbaga siya yung puno't dulo kung bakit hanggang ngayon eh sumisipa pa rin sa ratings ang "It's Showtime. Siyempre andun na rin yung mga ibang co-hosts, pero siya yung pinaka-poste dun eh,” kwento ni Ogie 


Isa rin umano ang issue sa MTRCB ang sa tingin ni Vice na kanyang dinaramdam.


"Siyempre, kung kilala ko si Vice, feeling ko isa yun sa kanyang mga dinaramdam. Na parang sa kabila ng lahat ng pagpapasaya namin sa mga tao, eto pa yung kanilang nakukuha. Tapos, siyempre diba may mga issues sa MTRCB, ganyan, na kino-call-out palagi, konting kibot, kino-call-out sila ng MTRCB o ng mga netizen,” sabi niya 


Ngunit paglilinaw ni Ogie: "Basa ko lang naman yun sa mukha ni Vice ha"


 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form