Mga staff ng Its Showtime, tutulungan umano ni Vice Ganda kung matuloy ang suspension ng kanilang show


Tutulungan umano ni Vice Ganda ang mga staff ng Its Showtime kung sakaling matuloy ang suspension ng naturang show. 


Mga staff ng Its Showtime, tutulungan umano ni Vice Ganda kung matuloy ang suspension ng kanilang show

Matatandaan na kamakailan lang ay naglabas ng statement ang MTRCB na kung saan pinatawan nila ng 12 day suspension ang Its Showtime dahil umano sa mga reklamo na kanilang natanggap laban sa nasabing show. 


(ads)


Sa isang show ni Fermin, ay may nasagap umano siyang impormasyon na umanoy magbibigay ng ayuda si Vice kung sakaling matutuloy ang suspension sa nasabing show. 


“Ako po ay nagkaroon ng pagkakataon makausap ang isang impormante na napakalapit po sa aking puso dahil nakatrabaho ko nang matagal sa ABS-CBN. Ang sabi niya dahil staff siya ngayon ng Showtime, sa isang pag-uusap ay binigyan daw po sila ng assurance, ng pangako ni Vice Ganda na kung sakali raw po na magkakatuloy-tuloy itong suspensiyon ng labindalawang araw ng MTRCB, tutulungan niya ang staff,” sabi ni Fermin 


Ngunit hindi pa malinaw kung pati ang mga host ay tutulungan din ng komedyante.


"Sa kaloob-looban po ng puso ni Vice Ganda, alam po niya na sila ni Ion ang dahilan kung bakit nagkaroon po ng suspensiyon ang kanilang noontime show. Alam niya ‘yun hindi lang niya maamin publicly… Kaya ‘yung production staff tutulungan niya kasi malaking kawalan ‘yun, ‘yung dalawang linggo na walang trabaho. ‘Yung mga kapwa host naman niya, alam niya na mayroon namang mga naiipon" sabi pa ni Fermin 


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form