Nagsisi na! Paghingi ng tawad ni Rendon sa mga artistang kanyang binanatan agaw pansin sa social media


Agaw pansin ngayon sa social media ang paghingi ng tawad ng self proclaimed Motivitional Speaker na si Rendon Labador.

Nagsisi na! Paghingi ng tawad ni Rendon sa mga artistang kanyang binanatan agaw pansin sa social media

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Rendon, ay ibinahagi niya na kanya nang pinagsisihan ang kanyang mga masasakit na mga salita na ibinato sa ilang kilalang personalidad. Gaya na lamang nina Vice Ganda, Ion Perez at Michael V.


(ads)


"Im trying to be perfect. Ngayon naman nakikinig na ako. Marami akong opportunities. Marami naman akong nasaktan din naman talaga. Yun din naman yung regret ko talaga. I'm trying to be better," sabi ni Rendon 


Ayon pa kay Rendon, kung nasaktan man raw niya ang mga ito ay taos puso siyang humingi ng kapatawaran.


(ads)


"So, kung nasaktan ko man kayo-- kay Vice, Ion, lahat ng artista, Michael V.-- I'm apologizing. Wala akong masamang intensyon sa inyo, Hindi ko kayo dini-discredit. I'm thankful sa mga nagawa ninyo. Ang gusto ko lang matulungan, magising. Sana makasama ko kayo sa pagbago ng Pilipinas," sabi ni Rendon.


 
 Si Rendon ay isang controversial na social media personality ng pilipinas. Isa siya sa pinag-uusapan ng sa social media dahil sa matapang niyang pagpuna sa mga kilalang personalidad. 

Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay na-banned ang ilan sa kanyang social media accounts gaya na lamang ng TikTok at Facebook dahil sa paglabag umano nito sa community standards. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form