Netizens nagreact sa ibinahaging "Bangs Update" ni Maris Racal

 

Maraming netizens ang nagreact sa ibinahaging "Bangs Update" ng actress na si Maris Racal.

Netizens nagreact sa ibinahaging "Bangs Update" ni Maris Racal [đŸ“·: @mariesteller]

Matatandaan na nagviral kamakailan ang video ni Maris na naiyak dahil sa kanyang bangs na hindi pantay.


(ads)


Ayon kasi kay Maris, nagmukha raw siyang lapis.  "I look like a pencil. Pero okay na ako ngayon medyo tumubo na siya." 


Sa kanyang bagong post sa instagram matapos ang "I look like a pencil" video ay nagbahagi siya ng update sa kanyang bangs. Makikita sa kanyang post na naayos na ang kanyang bangs. 


(ads)


Kaya naman inulan ng positibong komento ang actress na makikita sa comment section ng kanyang post. Sey ng ilang netizens: 


"Kahit anong hairstyle bagay, bakit ganon” 


”Okay naman pala”


 ”Gwapa pa rin”


 ” You go slay girl”


 ”ganyan rin akin pero d naman ganyan kaganda” 



Si Maris Racal ay isang kilalang mang-aawit, aktres, at host sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Siya ay unanag sumikat nang sumali sa Pinoy Big Brother noong 2014, kung saan siya ay naging isa sa mga premyadong housemates. 


Mula noon, patuloy na umangat ang kanyang career sa larangan ng musika at pag-arte. Kilala siya sa kanyang mahusay na tinig, kakaibang charm, at kakayahang mag-akting. May mga ilang album siyang inilabas, at ilan sa kanyang mga kanta ay naging paborito ng mga tagapakinig. 


Si Maris Racal ay isang inspirasyon sa kabataan at patuloy na nagbibigay aliw at inspirasyon sa kanyang mga tagahanga.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form