Ogie Diaz nagbahagi ng update sa buhay ngayon ni Angel Locsin


Nagbahagi ng update si Ogie Diaz kaugnay sa buhay ngayon ni Angel Locsin matapos itong hindi nagparamdam sa social media.

Ogie Diaz nagbahagi ng update sa buhay ngayon ni Angel Locsin


Sa Showbiz Update show ni Ogie Diaz sa kanyang youtube channel ay naging topic nila ang tungkol kay Angel Locsin na matagal-tagal naring hindi nakikita sa telebisyon at social media.


(ads)


Kaya maraming mga katanungan kung kumusta na nga ba ang actress? Ayon sa source ni Ogie Diaz ay nasa bahay lang at ini-enjoy ang pagkawala sa social media.


"Si Angel Locsin po ay nasa bahay, At ine-enjoy ni Angel Locsin ang kanyang absence sa social media," kwento ni Ogie 


"Siyempre, gumagalaw pa rin ng cellphone si Angel. Naaaliw siya sa mga games. Ibigay natin kay Angel Locsin 'yun. 'Yun ang gusto niya e. Basta happy si Angel Locsin. Siya ay may bahay o taong bahay," dagdag pa nito 


Maagang nagkaroon ng showbiz career si Angel kaya tingin ni Ogie ay baka namamahinga muna raw ito. 


"Kung maalala mo Loi. noong kanyang kabataan, talagang bugbog sa trabaho si Angel. Samahan pa 'yan ng pag-aalaga niya ng kanyang tatay." sabi niya 


Kaya naman ayon kay Ogie, naunawaan niya ang pananahimik ni Angel ngayon sa social media. 

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form