Ricky Lee nagsalita na sa paghawi ng Security Aide ni Pia Wurtzbach sa kanya:"naging rude yung guwardiya"


Nagsalita narin sa wakas ang National Artist na si Ricky Lee sa paghawi ng Security Aide ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanya sa naganap na Manila International Book Fair (MIBF) nitong Huwebes.

Ricky Lee nagsalita na sa paghawi ng Security Aide ni Pia Wurtzbach sa kanya:"naging rude yung guwardiya" 

Makikita sa video na ipinost ng ABSCBN News kung paano hinawi at binakuran ng guwardiya si Pia habang nakikipagkamay ito sa premyadong scriptwriter.


(ads)


Kaya sa panayam ng Pep kay Ricky Lee ay aminado siyang nasaktan sa nangyari.


“I think medyo naging rude yung guwardiya,” ani Ricky.


“I think maski na sinong tao, maski na bata o estudyante, kung in-acknowledge ni Pia, kinausap at pinasalamatan, huwag niyang itaboy. Yun ang punto ko,” dagdag niya.


Sa kabila ng nangyari ay hindi naman niya sinisi ang guwardiya.


“But to be fair kay Pia, she was very gracious. She acknowledged me. Pagdating ko dun, in fairness kay Pia at sa host ng program, in-acknowledge pa nga ako, ‘Ay, nandito si Sir Ricky. Ang iginagalang na National Artist. Tumayo po tayong lahat at magbigay-pugay'," aniya sa panayam ng PEP.


“So, tumayo si Pia at lahat ng audience. So, ibig sabihin kung si Pia at mga tao niya, wala naman intensyon," sabi pa niya 



 
Si Pia Wurtzbach ay isang kilalang Pilipinang beauty queen at aktres. Ipinanganak noong Setyembre 24, 1989 sa Stuttgart, Germany, ngunit lumaki sa Pilipinas. Siya ay sumali sa iba't ibang beauty pageants bago siya sumali sa Binibining Pilipinas, kung saan siya ay nagwagi at naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2015. Si Pia ay kilalang kilala sa pagiging unang Pilipinang manalo sa Miss Universe matapos ang 42 taon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form