Toni Fowler matapang na haharapin ang kasong isinampa ng KSMBPI laban sa kanya



Matapang na haharapin ni ng actress at youtuber na si Toni ang kasong isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas (KSMBPI) laban sa kanya. 

Toni Fowler matapang na haharapin ang kasong isinampa ng KSMBPI laban sa kanya 

Sa kanyang post sa facebook inilahad niya ang kanyang saloobin kaugnay sa nasabing reklamo.


(ads)


"Una, Hindi ako nagpakita ng s*x organs kung hindi s*x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t krimiinal ang ikinakaso ninyo laban sa akin... Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b*stos, m*laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili," sabi ni Toni Fowler sa kanyang post sa Facebook


"Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko —gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap... Ikaapat, kung nagawa natin magsampa ng kaso, sana ay nagawa din natin mag research nang maigi dahil may BTS Vlog ang MV ng MPL at doon namin pinakita na pinalitan ng juice ang tequila at wala akong pinainom na alak sa kahit sino pa man sa aking mga nakasama... Panglima, walang minor na gumawa ng s*xual na eksena," dagdag pa niya.


(ads)


Sinabi rin ni Toni na matapang niyang haharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya 


"Sa huli, gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin," sabi ni Toni sa kanyang post 


Si Toni Fowler ay isang kilalang personalidad sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng social media at showbiz. Isa siyang vlogger, aktres, at model na sumikat dahil sa kanyang kakaibang content sa YouTube at iba't ibang online platforms. Siya ay kilala sa kanyang mga prangkahan at pagiging bukas sa mga isyu tungkol sa kanyang personal na buhay. 


Bukod sa pagiging content creator, nagkaroon din siya ng ilang pagkakataon sa showbiz, kabilang ang pag-appear sa ilang TV shows at TV series gaya na lamang ng Fpj's Batang Quiapo. Dahil sa kanyang charisma at kontrobersyal na imahe, si Toni Fowler ay patuloy na namumuno sa mundo ng online entertainment sa Pilipinas.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form