Video kung saan tila muling inasar ni Kaye Abad ang basher kaugnay sa bodyguard issue viral

 

Mabilis na nagviral sa social media ang video ni Kaye Abad na kung saan tila inaasar niya ang kanyang mga basher kaugnay sa bodyguard issue.

Video kung saan tila muling inasar ni Kaye Abad ang basher kaugnay sa bodyguard issue viral

Nito lamang September 26, nagpost si Kaye sa kanyang instagram stories ng video kung saan nasa loob siya ng supermarket. 


(ads)


Sa video ay makikitang naglalakad siya sa supermarket bitbit ang dalawang plastic na kapansin-pansing walang bodyguards na kasama. 


Kaya nagbiro si Kaye at napatanong kung bakit wala siyang bodyguards na kasama. Natawa naman ang guard at isang staff maging ang kanyang taga video sa hirit na iyon ni Kaye. 


(ads)


Matatandaan kasi na kamakailan ay nagviral ang kanyang video na may kasamang mga body guards habang naggo-grocery. Sa isang panayam ay nilinaw ni Kaye na hindi sa kanya yung mga bodyguards na iyon. 


"I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala sila ng bodyguard, the bodyguards work for the supermarket and then I told them na hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi yun mga Cebuano sanay naman na sakin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa but then sabi nila, 'Sige lang ma'am' kasi inutos daw sa kanila so sabi ko, 'Ah okay.' So yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po," sabi ni Kaye sa panayam nito kay DJ Jai Ho 


 
Si Kaye Abad ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na nagkaroon ng marka sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong May 17, 1982, siya ay nagsimulang sumikat bilang bahagi ng teen-oriented show na "Tabing Ilog" noong dekada '90. Sa mga taon ng kanyang karera, sumiklab ang kanyang husay sa pag-arte sa mga teleserye tulad ng "Pangako Sa'Yo" at "Two Wives." 

Hindi lamang isa siyang mahusay na aktres, kundi pati na rin isang inspirasyon sa kanyang simpleng pamumuhay at pagmamahal sa pamilya. Sa mga pagbabalik-proyekto niya, patuloy siyang pinahahanga ng mga manonood sa kanyang husay sa pagganap at dedikasyon sa sining ng pag-arte.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form