Cristy Fermin nagreact sa pabalik-balik na isyung hiwalay na ang KathNiel

 

Nagbigay ng kanyang reaksyon ang beteranang columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa pabalik-balik umano na issue na umanoy hiwalay na ang KathNiel.

Photos: Daniel Padilla(Instagram)/Showbiz Now Na (YouTube)


"Pabalik-balik po 'yung kwento at ikalulungkot natin kung totoo nga yan. Pero ako sa puso ko, hindi nila ipaglalaban at pag-iingatan ang mahigit isang dekadang relasyon kung sasayangin lang nila," sabi ni Fermin kaugnay sa isyu tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla 


(ads)


"Kung meron mang nangyayari sa kanilang relasyon ngayon, Hindi muna sila nagsasalita. Siguro ninanamnam muna nila ang pagiging mag-isa nila. At saka siguro binabalanse kung kailangan pa ba nila ang bawat isa," dagdag pa niya 

Sa kabila ng nagsilabasang isyung ito, naniniwala parin siya na walang katotohanan na hiwalay na ang dalawa. 

"Palagay ko sila pa rin. Ikatutuwa ng ating mga kababayan kung yung relasyong Kathniel, buong-buo pa rin." sabi niya 


 
Si Kathryn Bernardo,27, na may tunay na pangalan na Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay isang kilalang actress dito sa Pililinas. Siya ay kilala sa kanyang role ng mga pelikulang She's Dating the Gangster (2014), Crazy Beautiful You (2015), Barcelona: A Love Untold (2016), Can't Help Falling in Love (2017), The Hows of Us (2018), at Hello, Love, Goodbye (2019), na isa sa highest grossing film sa bansa. Siya ang boyfriend ng actor na si Daniel John Ford Padilla. Si Kathryn ay may Height na 1.58 m(5 ft 2 in). 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form