Cristy Fermin sinasabing naglilihi na raw si Sarah Geronimo

 

Naibahagi ni Cristy Fermin sa kanyang online show na Showbiz Now Na ang tungkol sa umanoy pagdadalang-tao ni Sarah Geronimo. 

Photo Courtesy: Showbiz Now Na (youtube)/ justsarahgph(instagram)

"Nagliliihi na raw si Sarah Geronimo? Hindi nga po ba, yung kanilang concert ni Bamboo sa Pampanga postponed. Naudlot tapos marami siyang hindi napuntahan na kompromiso. Ang sabi ng Viva ang kanyang management agency, yung medical condition nga raw. Ano kaya yun e mukha namang walang sakit si Sarah. So meron pong mga nagkwento sa amin. Mukhang ito na po 'yun. Pregnant na raw," kwento ni Fermin 


(ads)


Naibahagi rin ni Fermin na kung totoo man o hindi ang balitang ito ay marami umano ang matutuwa, lalo na ang mga magulang ni Sarah na aniya ay baka ito na ang magpapalambot sa mga puso nito. 


"At ito na po ang makapagpapalambot nang tuluyan sa puso ni Mommy Divine. Pero alam mo, mas naniniwala nga ako na nagdadalang-tao na at inililihim lang. Kasal nga nila nailihim nila e," sabi ni Fermin 

 
Si Sarah Geronimo ay isang kilalang mang-aawit, aktres, at host mula sa Pilipinas. Sumiklab ang kanyang karera sa industriya ng showbiz noong siya ay isang bata pa lamang, nang mapabilang sa "Star for a Night" noong 2002. Mula noon, nagpakitang-gilas siya sa kanyang boses at talino sa entablado. Isa siyang multi-awarded na mang-aawit na may mahusay na diskograpiya, kabilang ang mga hit songs tulad ng "Tala." Si Sarah ay isang inspirasyon sa marami dahil sa kanyang tagumpay at kabutihan sa puso. Bukod sa kanyang musika, naging aktibo rin siya sa telebisyon at pelikula. Sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatili siyang huwaran ng kabataan at industriya ng showbiz.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form