Fermin wala umanong galit kay Vice ngunit humirit na umanoy mayabang ang komedyante

 

Inihayag ni Cristy Fermin na wala umano siyang galit sa komedyanteng si Vice Ganda.

Fermin wala umanong galit kay Vice ngunit humirit na umanoy mayabang ang komedyante 

May mga nagtatanong daw kasi na na inakalang galit siya sa komedyante.


(ads)


"May nagtanong po sa akin mga kaibigan ko, ano ang galit mo kay Vice Ganda? Wala. Sagot ko diretso, wala. Galing sa konsensya, galing sa puso ko wala. Wala ping ginagawang anumang masama sa akin si Vice Ganda. Kaya lang bilang bahagi po ng aming trabaho bilang manunulat at humaharap sa inyo sa humaharap sa camera, pinapalakpakan po namin ng tama at amin pong pinapansin ang sa palagay namin at sa aming opinyon ay lumalabis ay kailangan lamang sa himpapawid." sabi ni Fermin 


Ngunit pinaninindigan raw niya ang kanyang sinasabi na umanoy mayabang ang komedyante. 


(ads)


"At sa akin ano, 'yung kayabangan ni Vice Ganda, pinaninindigan ko po 'yan. Mula't mula po talaga ay naturalesa na talaga ni tong si Vice Ganda ang kayabangan. Nang siya po ay sumikat nagkaroon ng milyones, Lalo pong nakadagdag yun sa lakas ng loob niya para magyabang. Pero yun po siya e. kailangan nating tanggapin na ang tao po, kapag ang naturalesa ay ganun na, kahit ano pong sabihin natin hindi naman siya susunod e. Walang kahit sino na pupwede siya mapagpahinuhod at magpapakumbaba. Naturalesa po ang tawag dun. 'yun na siya. Kakambal na po ng kanyang inunan ang kanyang kayabangan. 'Yun ang akin." sabi niya 

 
 Si Cristy Fermin ay isang kilalang mamamahayag sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga opinyon at komentaryo sa showbiz at sa kanyang pagiging host sa mga palabas sa telebisyon at radyo. May mahabang karera si Cristy sa industriya ng media, at madalas siyang mapanood sa mga talk show at entertainment news programs. Isa rin siyang kilalang entertainment columnist at naging bahagi siya ng iba't ibang radio shows. Sa kabila ng kanyang kasikatan, may mga pagkakataon din na nagiging kontrobersyal ang kanyang mga pahayag. Ngunit patuloy siyang nagbibigay-kasiyahan at impormasyon sa mga manonood at tagapakinig ng showbiz news.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form