Hamon ni Ogie Diaz kay Baron Giesler viral


Mabilis na nagviral sa social ang mensahe ni Ogie Diaz para kay Baron Giesler. Sa kanyang latest "Showbiz Update Vlog" ay muli nilang napag-usapan ang tungkol sa umanoy ipinakitang attitude ng actor sa set ng "Senior High" na ayon sa kanyang source ay may posibilidad umanong matanggal ang actor. 

Photos: Ogie Diaz Showbiz Update Vlog

"Syempre Loi marami rin akong kaibigan diyan sa production staff ng Senior High. Kahit lahat 'yan ituro mo. Wala lang sanang makarating sa akin na 'yung mga bata ay iniiwasan siya. Kapag alam nila na si Baron ay hindi naman tubig ang iniinom," kwento ni Ogie 


(ads)


Dagdag pa niya: "Yan ang pinaninindigan ko at pinaninindigan din ng aking source na nagbabalak silang tanggalin si Baron Geisler. Kasi nga, e di ba nga, umiinom pa rin daw sa set. 'Yun ang issue. Tayo naman, sinasabi natin dito, sana hindi totoo. Sana 'yun ay tikim tikim lang. Kaya lang kahit tikim ng alak hindi talaga pwede sa set," giit ni Ogie. "Personally natutuwa ako. Dahil may post si Baron na siya ay papunta sa set ng Senior High taping. At meron pang eksena doon, na sila ni Elijah... Ako ay natutuwa dahil ibig sabihin, tuloy-tuloy ang kanyang trabaho."


Kaya magsibi umano itong hamon para sa actor na patunayan niya na totoong nagbago na siya: "Challenge 'to kay Baron Geisler. na patunayan niya na siya ay totoong nagbago na. Dahil ito pag natapos ito, dahil ang alam ko ang Senior High ay hanggang week 10. 'Pag pinatunayan niya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagbabago e di sorry, mali ako, mali 'yung source ko." 


Si Baron Geisler ay kilalang aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang noong June 5, 1982, sa Clark Air Base, Pampanga, nagpakita siya ng kahusayan sa pag-arte mula nang siya'y magsimula sa kanyang karera. Isa siyang mahusay na karakter aktor, kung saan kanyang nailabas ang iba't ibang mga papel sa mga telebisyon at pelikulang proyekto. Ngunit, may mga kontrobersya rin sa kanyang buhay, kabilang ang mga aksyong nauugma sa kanyang personalidad. Sa kabila nito, patuloy siyang nagtatrabaho at nagpapakitang may potensyal na maging isang mahusay na aktor.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form