Julia Montes di raw sinabihan si Coco Martin na may daring scene sila ni Alden Richards sa kanilang pelikula

 

Tapat na inamin ni Julia Montes na hindi raw niya sinabihan si Coco Martin na may daring scene sila ni Alden Richards sa kanilang pelikula.

Julia Montes di raw sinabihan si Coco Martin na may daring scene sila ni Alden Richards sa kanilang pelikula [Photos: Real Coco Martin - Facebook / GMA Network-Youtube]

Nito lamang Huwebes, ay nakapanayam ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk ang actress na si Julia Montes. Sa naturang panayam ay napag-usapan nila ang tungkol sa daring scene nila ni Alden Richards sa Pelikula nilang  'Five Break-up and A Romance.' 


(ads)


"The first scenes na kinunan dito sa pelikula ay away, and you have an intìmate scene in the trailer. Sabi ko pa, 'Kaya ko ba ito panoorin?' It's a sensuous scene. How did you get to that point? Nagpaalaam ka kay Coco?" tanong ni Boy kay Julia 


Ayon kay Julia may pag-uusap umano sila ni Coco na pagdating sa work ay supportive sila sa isat-isay: "Mayroon kaming pag-uusap ni Co na 'pag work, support. Gano'n kami ka-supportive and Coco is very supportive ever since."  


(ads)


Nang tanungin siya ni Tito Boy na: "Pero walang boundaries? Hindi pwedeng makipag-kissing scene, walang gano'n?" 


Ay sinabi ni Julia na: "Hindi naman po sa wala pero this film kasi po, Tito Boy, importante 'yong part na 'yon," 


Peru dahil hindi pa nasagot ni Julia ang tanong kung nakapagpa-alam ba siya kay Coco ay nagtanong ulit ang host: "So how was that conversation noong sinabi mo kay Coco?"  


"Hindi ako nagsabi," natatawang sagot ni Julia at paliwanag pa niya: "Nahihiya ako and super mahiyain po kasi ako talaga. So, sa part na 'to, ginawa ko lang 'yung film, sinabi ko po 'yung buong story and then nagandahan kasi rin siya do'n sa synopsis," 


 
 Si Julia Montes ay isang kilalang aktres sa Pilipinas na sumikat sa mundo ng showbiz sa kanyang kabataan. Ipinanganak noong Marso 19, 1995, sa Quezon City, nag-umpisa siyang mag-artista sa maikli ngunit makulay na karera sa telebisyon. Ngunit, sa kanyang pagganap bilang Clara sa "Mara Clara" noong 2010, siya ay naging pangunahing aktres at kinilala sa buong bansa. Ipinagpatuloy niya ang pag-angat sa kanyang karera sa mga proyektong tulad ng "Walang Hanggan," "Doble Kara," at marami pang iba. Si Julia Montes ay kilala hindi lamang sa kanyang galing sa akting kundi pati na rin sa kanyang kahusayan sa pagpapakumbaba at pagsusumikap sa industriya ng showbiz. Sa paglipas ng mga taon, patuloy niyang pinapatunayan ang kanyang kakayahan bilang isang mahusay na aktres sa Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form