Kim Chiu natawa sa natanggap niyang sulat para sa role niyang Juliana

 

Photos: Kim Chiu/ Instagram 

Natawa na lamang ang actress na si Kim Chiu dahil sa mensahe na bigay ng kanyang fan para sa role niyang Juliana sa hit series na Linlang na mapapanood sa Prime Video.

$ads={1} 

Sa kanyang instagram stories, ibinahagi ng Linlang star ang bigay sa kanya na regalo ng isang fan na may kalakip na mensahe para kay Juliana. Base sa sulat, pinayuhan ni "Nanay Meling" si Juliana  na huwag daw maging kàbit at at maging mabuti sa kanyang mga anak. 

"Huag kang maging kabit. Maging mabuti kang ina sa anak mo. Buuin mo ang pamilya mo" sabi sa sulat. Natawa naman si Kim habang binabasa ito at pinapasalamatan si "Nanay Meling" sa regalong binigay niya. 


Si Kim Chiu ay isang kilalang aktres, modelo, at mang-aawit sa Pilipinas. Ipinanganak noong April 19, 1990, nagsimula siya sa showbiz nang manalo sa "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006. Mula noon, si Kim ay naging isa sa mga pambato ng industriya ng showbiz.

Kilala si Kim Chiu sa kanyang magagaling na pagganap sa mga teleserye at pelikula. Isa sa mga pinakatanyag na serye na kanyang ginampanan ay ang "My Binondo Girl" at "Ina, Kapatid, Anak." Bukod sa pag-arte, siya ay isang kilalang mang-aawit at nag-release ng mga album na nagtataglay ng mga hit songs. Si Kim Chiu ay isang mahalagang personalidad sa mundo ng showbiz sa Pilipinas na patuloy na minamahal ng kanyang mga tagahanga.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form