Ogie Diaz muling pinuna ang aktingan nina Anji at Kice sa Linlang

Muling pinuna ni Ogie Diaz ang performance nina Anji at Kice sa hit series na Linlang na mapapanood sa Prime Video.


Sa kanyang tweet, ay aminado si Ogie na nabibitin na naman siya sa Linlang matapos niyang mapanood ang Episode 7 and 8 nito. "Siyempre, kapana-panabik ang bawat episode ng #Linlang. Tapos ko na ang ep 7 & 8, bitin na naman."sabi ni Ogie 


$ads={1}


Isa sa napansin ni Ogie ang subplot nina Anji at Kice na aniya gusto raw niyang matapos. "Pero ang gusto kong matapos eh yung subplot ng pag-iibigan nina Anji at Kice. Nakakasira sa daloy ng kwento."sabi niya


Dagdag pa niya "Parang nagwo-workshop pa lang sa loob ng isang teleserye. Kalokah." 


Si Ogie Diaz ay isang kilalang talent manager, komedyante, at host sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isa siyang mahusay na manager na nag-aalaga ng mga sikat na artista at personalidad. Si Ogie ay tanyag sa kanyang witty at makabuluhang komedya, lalo na sa kanyang mga hosting at radio appearances. Kilala rin siya sa kanyang mga vlog kung saan binabahagi niya ang kanyang opinyon at mga balita sa showbiz. Bukod sa pagiging komedyante at talent manager, si Ogie Diaz ay isang social media influencer na may malalim na ugnayan sa industriya ng showbiz, at nagbibigay linaw sa mga kontrobersiya at mga pangyayari sa loob at labas ng mundo ng mga artista.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form