Ricci Rivero sa kaibigan ni Andrea Brillantes: "gusto mo maglabasan tayo ng labada? "

 

May mainit na banat si Ricci Rivero sa kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres. 

Photos: @beaabores,@ricciiirivero/Instagram 

Kaugnay ito sa tweet ni Bea na wala namang binanggit na pangalan ngunit aniya "lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no" 


(ads)


Pumalag si Ricci sa naturang tweet at sabi niya kay Bea: "puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? 😅 Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline" 

Sa kabilang banda, sinagot din ni Ricci ang netizen na pumuna sa pagpatol niya sa babae. "diba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nag sasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magka alaman sino talaga 😂🍵 isama kita sa washing machine eh"

 Si Ricci Rivero ay isang kilalang manlalaro sa larong basketball sa Pilipinas. Isinilang noong 1998, agad siyang sumiklab bilang isa sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa kolehiyo nang maglaro siya para sa De La Salle University. Dahil sa kanyang kahusayan sa palakasan at istilo sa paglalaro, sumiklab ang kanyang karera at naging mahalaga siya sa koponan ng Green Archers. Dahil sa kanyang charisma at talento, naging isang kilalang endorser si Ricci, at maging isang online sensation. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa basketball, patuloy siyang nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan. Si Ricci Rivero, hindi lamang isa sa pinakamahuhusay na atleta, kundi pati na rin isang inspirasyon sa kabataan ngayon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form