Vhong Navarro may nakaka-antig na mensahe sa Madlang People: "Mami-miss namin kayo, pero mabilis lang ‘yan"

 

Nagbigay ng nakaka-antig na mensahe ang Its Showtime host na si Vhong Navarro sa madlang people sa bago ang kanilang 12 day suspension na ipinataw ng MTRCB na magsisimula ngayong October 14.

Photo Credits: vhongx44 Instagram 

Inimbitahan ni Vhong ang madlang people na panoorin ang pansamantalang papalit ng Its Showtime na may pamagat na 'Its Your Lucky Day.' "Maraming salamat, madlang people… Abangan n’yo po bukas ang ‘It’s Your Lucky Day’ with Luis Manzano, Melai Cantiveros Francisco, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Seth, Francine, Long, Negi, Petit at Tetay."sabi ni Vhong 


(ads)


Ayon kay Vhong magbabalik sila sa darating na October 28 na kung saan gaganapin ang finale ng "Mini Ms. U: The Cutest Finale. "At kami naman po sa aming pagbabalik, October 28. Magsasama-sama tayo muli para sa Mini Ms. U: The Cutest Finale... Kaya madlang people, we’ll be right back." sabi mi Vhong 


Nagbigay naman ng nakaka-antig na mensahe si Vhong sa madlang people. "Mami-miss namin kayo, pero mabilis lang ‘yan. Kaya magkita-kita tayo muli."sabi niya

 
Si Vhong Navarro ay isang kilalang artista at komedyante sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang career sa showbiz noong dekada 90 bilang isa sa mga miyembro ng dance group na "Streetboys." Matapos sumiklab ang kanyang kasikatan sa mundo ng sayaw, naging isa siyang host sa ilang TV shows tulad ng "It's Showtime" at naging bahagi ng mga pelikulang tulad ng "Agent X44" at "Mang Kepweng Returns." Siya rin ay kilala sa kanyang comedic timing at pagganap sa mga teleserye. Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang buhay, nananatili si Vhong bilang isang inspirasyon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form