Alex Gonzaga emosyonal na nag-open the tungkol sa kanyang "second miscarriage"

Photos: YouTube/Toni Gonzaga Studio

Di mapigilang maging emosyonal ng vlogger na si Alex Gonzaga nang mag-open up siya sa kanyang "second miscarriage". Ibinahagi ito ng vlogger sa panayam ng kapatid niyang si Toni Gonzaga sa YouTube channel nito na Toni Gonzaga Studio.

$ads={1}

Kwento ni Alex: "So parang naliligo ako tapos pray na kami nang pray lagi nandoon ang daddy at mommy, nagpe-pray over. Tapos no'ng nagliligo ako parang bigla lang akong kinausap ni Lord na parang, 'Why are you in a rush to be pregnant? Why?

"Ta's naiyak ako, kasi parang naisip ko, 'Oo nga no, bat ba ako in a rush, bakit hinihingi ko kay Lord is 'Lord sana bukas pregnant na ako, sana talagang matuloy na 'tong pregnancy ko.' Why? Kasi nape-pressure ako sa tao."

Sambat naman ng kapatid niyang si Toni: "Ikaw kasi lahat sinasabi, 'si Alex na 'yung susunod.' Alam mo 'yung baby shower ko? 'Alex, ikaw na.’ Ta's lahat ng video mo, 'Pregnant na si Alex, hindi lang niya sinasabi. Pero hindi nila alam, you just lost another pregnancy," pagpapatuloy ni Toni.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form