Cristy Fermin lakas loob na sinabi na umanoy may dalawang anak sina Coco at Julia

Photo Credits: Showbiz Now na(Youtube)/@artfernandezjr(Instagram)

 Lakas loob na sinabi ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin na umanoy may dalawang anak sina Coco Martin at Julia Montes.

$ads={1}

Sa kanyang Youtube show na "Showbiz Now Na" ay ibinahagi ni Fermin na umanoy babae ang panganay na anak nina Coco at Julia at ang bunso naman ay isang lalaki.

"Maglalakas-loob na po kami na magbigay ng detalye tungkol sa kanilang relasyon. Pero sa positibong paraan ito. Totoo po na meron na silang anak. Si Coco at si Julia. Apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila. Bakit sinabi ko pong panganay, may kasunod na po ang bata. Magdadalawang taon naman po ang lalake. Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda ang bata pong ito ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco," sabi ni Fermin 

$ads={2}

"At kamakailan po ay bininyagan naman ang batang lalake. Siguro po, naramdaman niyo rin po yun nang may nagpost ng tungkol sa party na meron pong cake sa likod na ang nakasulat po ay Popoy... Kaya dalawa po ang kanilang anak, isang babae at isang lalake," dagdag pa nito 

Sabi pa ni Fermin: "Pero ito naman po ang atin ano. Naiintindihan po namin kung bakit hindi po sila nagbibigay ng opisyal na pahayag o komento tungkol sa pagkakaroon nila ng mga anak. Ganoon po talaga ang mga magulang. Ang gusto nila, hanggang maaari na mailayo sa mata ng publiko ang kanilang mga anak ay gagawin nila"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form