Cristy Fermin nagreact sa umanoy patama ni Vice na "Anong pinagkaka-abalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?"

 

Photo Credits: @praybeytbenjamin(Instagram)/Cristy Ferminute(Youtube)

Pinalagan ni Cristy Fermin ang biro ni Vice Ganda sa isang contestant ng Its Showtime contestant kamakailan lang.

$ads={1}

Sa "Tumpakners" segment kasi ng Its Showtime ay biniro ni Vice ang isang contestant na may pangalang Cristy na "Kamusta ka Cristy? Anong pinagkaka-abalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?"

Kahit hindi daw sinabing siya yung pinaparinggan nito ay alam niyang siya ang tinutukoy nito.

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” sabi ni Fermin

$ads={2}

“Eh bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling ano pa pinagkakaabalahan mo?’ Eh ako diretso ko nasasabi sa kaniya na mayabang siya, ‘di ba? Na wala ka manlang makitang pagpapakumbaba sa kaniya. Diretso kong nasasabi yon, bakit hindi niya rin ako diretsuhin? Eh pu-pwede naman?” dagdag pa nito


Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form